Impormasyon tungkol sa Coronavirus

February 2, 2020

Impormasyon tungkol sa Coronavirus

Mayroong paglaganap ng bagong sakit na tinatawag na “novel coronavirus” sa lungsod ng Wuhan, China na nag-umpisa noong Disyembre 2019. Mabilis ang pagbabago ng balita tungkol sa isyu na ito. Dapat manatili kayong may impormasyon upang manatiling ligtas.

Mabilis ang pagbabago ng impormasyon
Mayroong kumpirmadong mga kaso sa China, Japan, Thailand, South Korea, Taiwan at Estados Unidos mula sa mga pasyente na galing Wuhan. Masyado pang maaga para malaman kung saan talaga nag-umpisa ang bagong virus na ito, o kung paano ito kumakalat. Dahil bago lamang ang virus, patuloy na susubaybayan ng mga awtoridad ang pagkalat nito. 

Kumikilos na ang mga opisyal para sa pampublikong kalusugan
Kumikilos ang mga opisyal ng pampublikong kalusugan (public health) upang maprotektahan ang publiko. Maingat na mino-monitor ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (Mga Sentro ng Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit, CDC) at ng World Health Organization (Organisasyon para sa Pandaigdigang Kalusugan, WHO) ang pagkalat ng virus. Mabilis at pabago-bago ang sitwasyon na ito, at magbibigay ang CDC ng bagong impormasyon sa sandaling makuha ito.

Mino-monitor na ng CDC ang mga pasaherong galing sa Wuhan, China sa limang airport sa Estados Unidos, kasama na ang San Francisco International Airport-(Pandaigdigang Paliparan ng San Francisco, SFO) para mapag-alaman kung mayroon silang lagnat o sintomas ng sakit na ito.    

Walang kaso ng novel coronavirus sa San Francisco
Walang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa San Francisco. Kung mayroong makukumpirmang kaso sa San Francisco, i-aanunsyo ito ng Health Department, sa pakikipagtulungan ng CDC at sa California Department of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California, CDPH)

Mababa ang panganib na mahahawa ang mga residente sa Bay Area 
Mababa ang panganib ng mga residente ng Bay Area na mahawaan ng novel (new) coronavirus, maliban na lamang kung kakabiyahe lang nila galing sa Wuhan o kung nakipag-ugnay sila sa taong may sakit na kakagaling lamang sa lugar na iyon. 

Kailangan ko bang magsuot ng mask o ikansela ang mga aktibidad ko kung saan nakikisalamuha ako sa iba?
Sa ngayon, walang opisyal na rekomendasyon na magsuot ng mask o magkansela ng inyong mga plano o aktibidad. Ang pinakamainam na paraan upang maprotektahan ang kalusugan ay ang pagpapraktis ng mga hakbang na para sa pag-iingat, katulad ng palaging paghuhugas ng kamay at pagpapa-flu shot (iniksyon laban sa trangkaso), at nang sa gayon, maiwasan ang sakit ang mga sintomas na katulad ng sa novel coranavirus

SF DPH

Kung bumiyahe kayo sa Wuhan at mayroon kayong nararamdaman na sintomas….
Ang sinuman na bagong biyahe mula sa Wuhan at nagkaroon ng lagnat at sintomas na may kaugnayan sa paghinga, katulad ng ubo o problema sa panghinga, ay dapat munang tumawag sa kanyang doktor o health care provider (tagpagkaloob ng pangangalaga para sa kalusugan) at dapat ibahagi ang kasaysayan ng pagbibiyahe bago bumisita.

Payo para maprotektahan kayo at ang inyong mga kasama 
1) Magpa-flu shot para magkaroon ng proteksiyon laban sa trangkaso o sintomas na
katulad sa novel coronavirus
2) Hugasan ang mga kamay gamit ang likidong sabon at tubig, at kuskusin nang
mabuti nang hindi bababa sa 20 segundo.
3) Takpan ang inyong bibig kapag umuubo o bumabahing
4) Manatili sa bahay kapag may sakit
5) Para sa mga tao na bibiyahe sa Wuhan: CDC

Manatiling may impormasyon
Para sa bagong balita tungkol sa novel coronavirus, bisitahin ang

CDC

English 
Espanol
中文
Filipino